#AnneTanda

July 25, 2017 | 6:30 PM | Nude Party | Photographer : Jane Tracy Artajo

Eighteen Roses

Eighteen Candles

Eighteen Shots ( on process )

Processed with VSCO with p5 preset

Processed with VSCO with p5 preset

Processed with VSCO with p5 preset

Processed with VSCO with p5 preset

Processed with VSCO with p5 preset

Processed with VSCO with p5 preset

After Party

Isa akong makata.

Iniwan niya ako. Iniwan sa langit at hinayaang mahulog nang walang sumasalo. Wala eh, nagsawa na siya. Ayaw na niya. Sumuko na siya. Nakakatawang isipin ngunit heto nanaman ako, nagiging makata ng wala sa oras. Iisip ng iba’t ibang kumpas. Magsusulat ng mga salitang magkakatugma. At babalikan lahat ng mga memoryang iniwan at tumatak sa aking puso’t isipan. 

Puta. Nagiging makata nanaman si gago.

Hinintay kita sa loob ng walong buwan at hinintay ang matamis mong kasagutan. Nasungkit ko ang puso mong kasinghirap ng pagkuha ng atis sa puno nila Aling Maryan. Masaya naman tayo, mahal mo ako, mahal kita. Puso’t damdamin natin ay pinag-iisa. Pero ngayon? tanging salitang “tapos na” ang nangingibabaw sa relasyong binuo natin na higit tatlongput-anim na buwan na.

Alas singko ng umaga nagising ako sa ingay ng mga tao. Lumapit ako sa lamesa’t binasa ang liham mo. Habang dinadamdam ko ang bawat titik, salita sa iyong sulat di ko namalayan na umuulan na pala. Umuulan na sa pisngi ko. Ramdam ko ang mga luhang dahan dahang bumabagsak na parang grado ko sa klase natin. Mga luhang tuwang tuwa na nagpapadulas na parang mga batang naglalaro sa aking mga pisngi. 

Majoy, mahal kita. Mahal pa rin kita. Bakit sa dinami-dami ng puwedeng bumitaw bakit ikaw pa? Bakit? 

Sana kung mabasa mo ito, umaasa akong bumalik ka. Bumalik sa relasyong kasama mo ang makatang ito. Ang makata na mahal ka, wala nang iba pa. 

Para kay Majoy, nagmamahal Jared. 

The Cool Chick of MKT

Model: Kreisha Zae Laberinto

Hola! Welcome to my blog. 

This is my new and first entry for this year. Hahaha matagal-tagal na rin since naglagay ako ng entry ko dito. So this entry is all about my portraits of my model/pamangkin/bestfriend/food buddy etc. 

This was shoot during summer in our house specifically in my cousin’s room and to our rooftop.

Kahit mainit ang panahon laban pa rin besh!! Hahaha tagaktak ang pawis ko nung mga araw na yan, picture dito picture doon. Ganoin! 

So some of this photos can be found on my instagram (@shotsbytracy) if you are interested. Kung lang naman pero kapag hindi, okay lang. 


sure ka na ba?

Isang liham para kay Liano.

Ang hirap. Ang hirap ng ganito. Ang hirap magmahal sa taong hindi naman pa pala “sure” ang nararamdaman sa akin. Ewan ko ba, sasabihin mo na gusto mo ako tapos malalaman kong may gusto ka rin na iba. Ano ba talaga? Sino ba talaga? Ang gulo. Ang gulo mo.

Minsan napapa-isip ako kung “joke” lang ang lahat ng ito o hindi. Kung seryoso ka ba para sa akin o hindi. Hindi ko alam na sa dinami- dami ng lalaking kailangan kong mahalin bakit ikaw pa? Ikaw na hindi pa”sure” ang nararamdaman para sa akin.

Ang hirap, Liano. Bakit?

Pero salamat. Salamat sa panandaliang landi na ipinadama mo sa akin.

Nagmamahal, Tracy.

 

p.s. – Kung mabasa mo man ito, edi wow nabasa mo.

 

 

 

marami kami

Nagpapicture ako sa crush ko. pagkatingin ko sa facebook, marami pala kaming may picture sa kanya. Akala ko ako lang, akala ko lang pala iyon. Marami kami.

Sino ba naman ako? Isang humss student na nakikipag-agawan makuha lang yang puso mo laban sa mga stem students na nagkakandarapa sayo.(Tracy Artajo, 2016)

“Nako as a humss student magaling ka dapat ipaglaban ang nararamdaman mo!!” (Alexander Herrera, 2016)

“Wow! makata ka na ngayon Tracy. Yung tipong hahanap ka ng mga salita na maaaring maging tugma sa mga bagay na iyong nadarama.” (Bianca Bello, 2016)

“Tanggapin mo ang katotohanang mahal ka niya, kaso may mahal din siyang iba. Katulad ng may litrato ka niya, kaso meron din ang iba.” (Alexander Herrera, 2016)

hay, putangina.

hirap magkaroon ng crush, hahahaha

p.s – Ito ang totoong buhay ng nagmamay-ari ng blog na ito, malandi po siya. CHAROT